Isang mayoralty candidate sa Agusan del Sur, arestado

By Angellic Jordan May 11, 2019 - 06:53 PM

Inaresto ang isang tumatakbong alkalde sa Rosario, Agusan del Sur dahil sa illegal possession of firearms and ammunition, Sabado ng umaga.

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Jupiter Abulog sa Barangay Santa Cruz sa bayan ng Rosario.

Nagkasa ng operasyon ang pulisya sa bisa ng search warrant na inilabas ni 10th Judicial Region Branch 7 Judge Lou Nueva sa Bayugan City noong May 9.

Nakuha kay Abulog ang mga sumusunod na armas at bala:

– isang Caliber 45 PARAO pistol

– isang Caliber 45 RUGER pistol

– isang Caliber 40 ARMSCOR pistol

– isang unit Caliber 45 NORINCO pistol

– isang unit ng M16 MAGPUL Rifle na walang serial number

– 28 piraso ng 5.56 live ammunition, at

– 14 na Caliber 40 live ammunition

Mahaharap si Abulog sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammuniaton Regulation Act.

TAGS: armas, bala, mayoralty candidate, armas, bala, mayoralty candidate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.