San Andres, Quezon itinuring nang election hotspot
Dalawang araw bago ang halalan, itinuring na ang bayan ng San Andres sa Quezon bilang election hotspot.
Ayon kay Col. Ramil Montilla, hepe ng Quezon police, mula sa ‘green category,’ itinaas na ang San Andres sa ‘yellow category.’
Ito ay kasunod ng naitalang dalawang kaso ng pagpatay na may kinalaman umano sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Ang mga lugar na kabilang sa ‘yellow category’ ay nangangahulugang mayroong naganap na insidenteng may kinalaman noong nakaraang dalawang eleksyon, may matinding political rivalry at dating isinailalim sa Commission on Elections (Comelec) control.
Ani Montilla, nag-deploy na ang kanilang hanay ng dagdag-pwersa at isang senior official para matiyak ang kaayusan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.