Patay sa sunog ang mag-asawa na sumiklab sa isang residential area sa Sitio Ponce 2, Brgy. Carreta, Cebu city Sabado ng madaling araw.
Ayon sa mga pulis, itinaas ang 3rd alarm bandang alas kwatro ng madaling araw.
Na-trap umano ang mag-asawa na sina Nicasio Orcullo, 62 taong gulang at si Prosefina Orcullo, 57 taong gulang sa loob na kanilang bahay.
Ang pinsala ng sunog ay tinatayang aabot sa P900,000.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.