300,000 volunteers ng PPCRV, ipakakalat sa halalan sa buong bansa
By Ricky Brozas May 11, 2019 - 12:45 PM
Handang handa na ang Parish Pastoral Council For Responsible Voting sa darating na eleksyon sa Mayo 13 2019 kung saan magpapakalat sila ng 300 libong volunters sa buong bansa upang mahigpit na bantayan ang halalan.
Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra, aabot sa 300 libong mga volunteers ang kanilang ipakakalat sa 85 thousand Cluster Precincts Nationwide na tututok sa eleksiyon.
Paliwanag ni Buenaobra, mahalaga ang tinatawag na Filipino Volunterism upang magkaroon ng tunay na malinis at credible na resulta ng halalan.
Giit ni Buenaobra, subok na ang kanilang serbisyo sa mga nakalipas na eleksyon kung saan nais ng PPCRV na mapreserba ang Demokrasya sa bansa upang magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.