Random manual audit para sa May 13 Midterm polls, sisimulan ng COMELEC sa May 15
Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang Random Manual Audit (RMA) ng mga boto para sa midterm elections sa May 15.
Ayon kay Comelec Commissioner Luie Tito Guia, ang RMA Committee head, mamimili sila ng presinto sa mga munisipalidad at lungsod na pagkukuhanan ng sample na siyang gagamitin sa audit process.
Naglinaw din si Guia na tanging ang mga boto sa pagka-senador, miyembro ng Kamara de Representantes at mga mayors ang kanilang kukunin.
Magsisilbing lead convenor ng RMA ay ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA).
Kaugnay nito, naglinaw si Guia na ang pagkakapili sa LENTE bilang lead convenor ay aprubado ng Comelec en banc matapos umatras ang NAMFREL.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.