NGCP may 24/7 command center para sa eleksyon
Magkakaroon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 24/7 command center mula May 10 hanggang 16.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng NGCP na ito ay para matiyak ang suplay ng kuryente sa May 13 midterm elections.
Nakaantabay ang mga technical personnel kabilang ang mga line crew at engineer sa mga substation para rumesponde sakaling magkaroon ng problema sa kuryente ng mga polling precincts.
Nakahanda rin ang kanilang contingency plan para agad maaksyunan sakaling maging manipis ang reserba ng kuryente.
Kasunod nito, tiniyak ng NGCP na magiging maayos ang power transmission service bago, habang at pagkatapos ng eleksyon sa May 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.