Daan-daang informal settlers naialis sa gilid ng estero at creek sa Maynila at Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 03:19 PM

Nabawi na ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang gilid ng mga estero at creek sa Maynila at Quezon City.

Ayon sa PRRC, naialis na ang mga informal settler sa palibot ng Estero dela Reina at Estero de Pandacan sa Maynila at sa Maytunas Creek sa Quezon City.

Sinabi ni PRRC Executive Director Director Jose Antonio Goitia, giniba na at inalis na ang mga sagabal sa estero.

Bahagi ito ng development projects ng PRRC sa mga estero.

Sinabi ni Goitia na umabot na sa 376 na illegal private structures ang naialis ng PRRC at nakapagtayo na ng 37,471.68 linear meters na environmental preservation areas (EPAs).

Sa pamamagitan ng EPAs inaasahang mapapaganda ang kalidad ng tubig sa mga estero.

Katuwang ng PRRC ang Metropolitan Manila

Development Authority (MMDA), Department of Public Service (DPS), City Engineering Offices ng Maynila at Quezon City sa isinasagawang clearing operations.

TAGS: Estero de Pandacan, Estero dela Reina, manila, prrc, quezon city, Estero de Pandacan, Estero dela Reina, manila, prrc, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.