Dating PAGCOR Chief Genuino pinawalang-sala sa kasong perjury

By Erwin Aguilon May 10, 2019 - 11:29 AM

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan 3rd Division si dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino sa kasong perjury may kinalaman sa hindi tamang paghahain ng SALN.

Sa naging pasya ng anti-graft court sinabi nito na hindi napatunayan ng prosekusyon ang guilty ng akusado beyond reasonable doubt.

Ang kaso ay kaugnay sa sinasabing hindi pagsasama ng kanyang mga ari-arian sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa; Los Baños at Sta Rosa, Laguna mula noong 2002 hanggang 2005.

Apat na bilang ng kasong perjury ang inihain ng Office of the Ombudsman kay Genuino dahil dito.

Nakasaad din sa pasya ng husgado na inaalis na ang hold departure order laban sa dating PAGCOR chief habang deemed released na ang inihain nitong piyansa na nagkakahalaga ng kabuuang P24,000.

TAGS: Efraim Genuino, pagcor, PERJURY, sandiganbayan, Efraim Genuino, pagcor, PERJURY, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.