Kinumpiska ng United States ang isang barko ng North Korea na ginagamit sa pagbebenta ng coal dahil sa umano’y paglabag sa international sanctions.
Ang Wise Honest cargo ship ay papalapit umano sa territorial waters ng US ayon sa Justice Department officials.
Ang cargo ship na ito ay sinasabing isa sa pinakamalaki ng North Korea at ayon sa US, ginagamit ito upang iligal na magbenta ng coal at nagdadala rin ng heavy machinery sa Pyongyang.
Nagpasa ng resolusyon ang U.N. Security Council noong 2017 na nagbabawal sa North Korea na mag-export ng coal.
Ang anunsyo ng US ay ilang oras lamang matapos muling magpalipad ng short-range missiles ang Pyongyang.
Ang firing ng missiles ay ikalawa na ngayong linggo sa gitna ng ‘deadlock’ sa umaarangkadang negosasyon sa US para sa denuclearization ng Korean Peninsula.
Ang muling pagpapalipad ng North Korea ng missiles araw ng huwebes ay matapos dumating sa Seoul, South Korea si US Special Representative on North Korea, Stephen Biegun.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.