Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na kumpleto na ang kanilang preparasyon para sa May 13 midterm elections.
Sa pagsasagawa ng inspeksyon sa canvassing center sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na handa na sila sa araw ng Lunes.
Aniya, mag-coconvene ang Comelec bandang 3:00, Lunes ng hapon para sa opisyal na pagsisimula ng pagbibilang ng mga boto.
Magkakaroon din aniya ng final inspection sa PICC sa bisperas ng halalan sa araw ng Linggo (May 12).
Nasa mahigit-kumulang 61 milyong botante ang inaasahang boboto sa eleksyon ng local and national candidates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.