Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang paglulunsad ng Brigada Eskwela ngayong taon sa May 16.
Sa isang press conference, sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na sisimulan ang Brigada Eskwela sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite.
Ang tema aniya ngayong taon ay ‘Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan’.
Layon aniya nitong ihanda ang mga eskwelahan para maging maayos ang pag-aaral ng mga estudyante sa pasukan.
Ani Umali, ang aktwal na Brigada Eskwela ay isasagawa mula May 20 hanggang 25.
Pinaalalahanan naman ang mga nais makiisa na walang kailangang bayaran sa Brigada Eskwela.
Hindi aniya tatanggapin ang mga kontribusyon mula sa local at national candidates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.