P100M halaga ng pekeng sigarilyo, nakumpiska sa Iligan
Mahigit-kumulang P100 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa ikinasang operasyon sa ni-raid na dalawang bahay sa Iligan City, araw ng Huwebes.
Nakuha ang mga pekeng sigarilyo sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Iligan City Police Office (ICPO) sa Isabel Village sa Barangay Palao.
Nirerentahan ang mga bahay ng isang Chinese businessman na itinangging ibigay ng pulis ang pagkakakilanlan.
Nakaharap ng mga otoridad ang isang Filipina na tagaluto at isang Chinese Wang Jian Min na nagpakilalang pinsan ng may-ari ng mg kontrabando.
Ayon kay BIR-10 Regional Investigation Division chief Alberto Daba, wala ang may-ari ng mga kontrabando nang isagawa ang raid at hindi alam kung nasaan ito ngayon.
Nasa 100 kaha ng sigarilyo na may brand na “Two Moon” ang nakuha sa unang bahay na nagkakahalaga ng P25 milyon.
387 kaha naman ng iba’t ibang brand ng sigarilyo ang narekober sa ikalawang bahay na may estimated market value na P75 milyon.
Dinala na ang mga sigarilyo sa opisina ng BIR-10 sa Cagayan de Oro City habang si Wang ay nasa kustodiya ng Iligan City Police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.