Joy Belmonte inendorso ng Iglesia ni Cristo
Nakuha ni mayoralty candidate Joy Belmonte ang suporta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quezon City para sa darating na local elections sa Lunes, May 13.
Ayon kay Belmonte, suportado rin ng INC ang mayorya ng kaniyang slates.
“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” ayon kay Belmonte.
Nagpasalamat si Belmonte kay Ka Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa pagbibigay ng suporta.
Nang tanungin kung bakit sa tingin niya ay siya ang sinuportahang kandidato ng INC kumpara sa kanyang mga katunggali, sinabi ni Belmonte na naniniwala siyang karamihan ng mga residente sa lungsod ay sumusuporta sa kanya.
Dagdag ni Belmonte, ang nasabing endorsement ay dahil na rin aniya sa malinis niyang track record at mga matagumpay na programa sa panunungkulan niya bilang bise alkalde sa lungsod sa loob ng tatlong termino.
Patunay rin umano ito na suportado ng mga mamamayan ng Quezon City ang kanyang mga plataporma sa kabila ng mga black propaganda na pinapakalat laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.