Bike-friendly bypass road sa Bulacan pinasinayaan ng DPWH
Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bike-friendly na bypass road sa Bulacan.
Pinangunahan ni Secretary Mark Villar, ang inagurasyon sa Pulian – Baliuag Diversion Road.
Nakumpleto ngayong taon ang naturang road project.
Ang mga motorista na patungo ng North Luzon Expressway (NLEX) ay maari nang magamit ang kalsada bilang alternatibong ruta.
Ani Villar, nagkakahalaga ang proyekto ng P509.694 million.
Dahil sa nasabing kalsada, hindi na kailangang magtiis ng mga motorista sa na baybayin ang kahaban ng Daang Maharika dahil mayroon na silang alternatibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.