Hiling na ibasura ang kasong inciting to sedition ni Sen. Trillanes hindi pinabigyan ng korte

By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2019 - 09:00 AM

Ibinasura ng korte sa Pasay City ang motion to quash ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes na humihiling na ma-dismiss ang kinakaharap niyang inciting to sedition.

Ang kaso ay isinulong ng piskalya sa korte laban kay Trillanes noong March 2018 makaraang manawagan umano sa mga sundalo na mag-aklas laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panig ni Trillanes, sinabi nitong ang paghikayat sa publiko na lumagda sa petisyon para ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ng isang public official ay hindi maaring maikunsiderang krimen o inciting to sedition.

Pero sa resolusyon ni Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 45 Judge Remiebel Mondia, sinabi nito na pawang alegasyon lang ang argumentong ibinigay ni Trillanes sa korte at mangangailangan ng full-blown trial para makapagprisinta ng ebidensya ang magkabilang panig.

TAGS: inciting to sedition, senator antonio trillanes, inciting to sedition, senator antonio trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.