Water level sa Angat dam nabawasan, La Mesa dam bahagyang nadagdagan
By Dona Dominguez-Cargullo May 09, 2019 - 07:07 AM
Sa kabila ng naranasang malakas na buhos ng ulan kagabi, nabawasan pa rina ng antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.
Sa update mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes, May 9, nasa 174.78 meters ang water level ng Angat.
Ang La Mesa dam naman ay nadagdagan ng .10 meters at ngayon ay nasa 68.55 ang water level.
Nabawasan naman ang water level sa Ipo, Ambuklao, Binga, at San Roque dams.
Habang pawang nadagdagan naman ang water level sa Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.