Higit 162,000 kilo ng basura nakolekta mula sa Pasig River
Umabot sa 162,390 kilo ng basura ang nakolekta sa Pasig River sa loob ng siyam na araw na clean-up drive.
Ayon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), inilagay ang tambak-tambak na basura sa 5,413 na sako.
Umarangkada ang clean-up mula April 27 hanggang May 7.
Galing sa Manila Bay ang karamihan sa mga basura at napupunta ito sa Pasig River dahil sa back flow ayon sa PRRC.
Ilan naman ay galing sa San Juan River at iba pang estero na inanod bunsod ng mga nakalipas na pag-ulan.
Dahil dito, nanawagan si PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia sa suporta ng publiko kabilang ang mga ahensya ng gobyerno at lahat ng sektor ng lipunan na linisin, protektahan at isalba ang Pasig River.
Naglagay na rin ang PRRC ng trash traps sa ilang strategic locations para mapigilan ang dagsa ng basura patungo sa ilog.
Ipagpapatuloy naman ng river warriors ang cleanup activities sa susunod na mga linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.