Duterte: Presidency a ‘gift from God’

By Len Montaño May 09, 2019 - 04:09 AM

File photo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na timing lang ang kanyang pagiging Presidente ng bansa.

Ayon pa sa Pangulo, regalo sa kanya ng Diyos ang presidency dahil nagiging narco-state na ang bansa.

“Hindi naman ako nagyayabang. I’m not the type na may hangin, pero na-timing lang. Mabuti’t na lang ako ang na-presidente,” pahayag ni Duterte sa kampanya sa Bohol.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang gaanong suporta noong 2016 presidential elections.

Ilang pulitiko at ang Chinese community lang anya ang sumuporta sa kanya.

“Even little time to campaign and money wala talaga and yet I won. So I said, ‘yung pagka-presidency ko is really a gift from God. Masabi ko na ngayon,” ani Duterte.

Sa kabila ng mga kontrobersyal na polisiya at batikos sa Simbahan partikular ang pagkuwestyon sa pagkakaroon ng Diyos, mataas pa rin ang approval at trust ratings ng Pangulo.

TAGS: 2016 presidential elections, Approval Rating, gift from God, narco-state, presidency, Rodrigo Duterte, timing, Trust Rating, 2016 presidential elections, Approval Rating, gift from God, narco-state, presidency, Rodrigo Duterte, timing, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.