52.2 degrees Celsius na heat index naitala sa Virac, Catanduanes

By Rhommel Balasbas May 09, 2019 - 01:32 AM

Umabot sa 52.2 degrees Celsius ang heat index sa Virac, Catanduanes, alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules (May 8).

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamataas na naitala sa buong bansa ngayong taon at nalampasan ang 51.7 degrees Celsius sa Dagupan City, Pangasinan noong April 9.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman na katawan ng tao at kadalasang mas mataas sa air temperature.

Ang mga lugar na nagtala pa ng pinakamataas na heat index kahapon ay:

– Guiuan, Eastern Samar, 50.4 degrees Celsius

– Calapan, Oriental Mindoro, 46.4 degrees Celsius

– Dipolog, Zamboanga del Norte, 44.9 degrees Celsius

Mapanganib sa kalusugan ang heat index na nasa 41 hanggang 54 degrees Celsius dahil sa posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion at maaari ring magresulta sa heat stroke.

TAGS: 52.2 degrees Celsius, catanduanes, heat cramps, heat exhaustion, heat index, heat stroke, Pagasa, pinakamataas, Virac, 52.2 degrees Celsius, catanduanes, heat cramps, heat exhaustion, heat index, heat stroke, Pagasa, pinakamataas, Virac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.