Babae patay sa pananakal ng live-in partner sa Isabela
Nasawi ang isang 18 taong gulang na babae matapos sakalin ng live-in partner nito sa Cordon, Isabela.
Nakilala ang biktima sa alyas “Maricar,” na natagpuang walang saplot, bugbog-sarado at basag ang mukha sa isang sa sagingan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag-away umano ang biktima at ang suspek dahil sa pera hanggang sa nauwi na sa pananakal ng suspek sa biktima.
Napag-alaman din na sinasaktan ang biktima pati na rin ang kanilang anak.
Itinago pa ng suspek ang mga labi ng biktima sa sagingan pero nahanap ito ng kaniyang ama.
Agad naman na naaresto ang suspek na nakilalang si Junson Sala, 23 taong gulang na umamin at nagpahayag ng pagsisisi sa nagawang krimen.
Magsasampa ng kaso ang mga magulang ng biktima laban sa suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.