Hiling na tulong ni Alyas Bikoy tinanggihan ng IBP

By Ricky Brozas May 08, 2019 - 12:12 PM

Tumanggi ang Integrated Bar of the Philippines o IBP sa hiling legal aid ng lalaking nagpakilalang “Bikoy”.

Si Bikoy ang nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya sa kalakaran ng iligal na droga sa pamamagitan ng pagpapakalat ng videos.

Una nang ipinakilala ni Peter Joemel Advincula ang kanyang sarili bilang si “Bikoy” na nagsabing may mga perang galing sa droga ang napunta sa Bank accounts ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, manugang na si Atty. Manases Carpio, at dating aide na si Bong Go.

Paliwanag ni IBP incoming President Domingo Cayosa, ang binibigyan lamang ng IBP ng libreng ayuda ang walang kapasidad na kumuha ng abogado at may mga basehan ang mga alegasyon.

Tumanggi ang IBP sa hiling ni Advincula matapos ang masusing pag-aaral nila sa kanyang aplikasyon sa National Center for Legal Aid.

Una nang sinabi ni Advincula na wala siyang koneksiyon sa anumang partido politikal lalo na sa opposition political slate na “otso diretso”

Magdadaos naman ang senado sa Biyernes ng hiwalay na imbestigasyon sa mga naging pahayag ni Alyas “Bikoy”.

TAGS: Alyas Bikoy, at dating aide na si Bong Go, bikoy, dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, IBP, manugang na si Atty. Manases Carpio, Alyas Bikoy, at dating aide na si Bong Go, bikoy, dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, IBP, manugang na si Atty. Manases Carpio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.