Imbestigasyon ng LTFRB at LTO sa aksidente sa Atimonan, Quezon sinimulan na
Nagsimula na ang imbestigasyon ng LTFRB at LTO sa nangyaring aksidente sa Atimonan, Quezon.
Tatlong katao ang nasawi at mahigit 70-iba ang nasugatan sa salpukan ang isang bus at isang 10-wheeler truck sa Santa Catalina.
Ayon kay DOTr Asec. Goddess Hope Oliveros-Libiran, kapag natapos na ang imbestigasyon ng LTFRB at LTO agad nilang ilalabas ang resulta nito.
Una nang nakarating sa tanggapan ng DOTr na ang prangkisa ng sangkot na AMV Travel and tours bus ay laan para sa isang tourist bus pero bumibiyahe umano ito bilang regular na pampasaherong bus.
Base sa ‘initial report’ na nakarating sa LTFRB at LTO ‘human error’ ang dahilan kung bakit nangyari ang madugong aksidente sa Atimonan Quezon Lunes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.