Ginagawang pag-upo ng SC sa isyu ng voting centers sa Sulu, inalmahan ni Deputy Speaker Arbison
Umalma si Deputy Speaker Munir Arbison sa ginagawang pag antala ng Supreme Court sa petisyon may kaugnayan sa kinukwestyong voting centers sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Arbison, nagkaroon ng pagsasaayos ng mga voting centers ang Commission on Elections (Comelec) sa mga polling centers na disadvantageous sa mga botante.
Kabilang anya rito ang island barangay ng Capual na mayroong 3,000 registered voters pero ang kanilang presinto ay nasa mainland na mahigit tatlong kilometro ang layo mula sa pantalan.
Sinabi ni Arbison na nananatili ang Sulu kung saan ang mga votong centers ay namamanipula ng mga lokal na opisyal.
Nagkaroon anya ng correction ang Comelec pero ito ay ipinahinto ng Supreme Court dahil sa petisyon ni dating Comelec chair Sixto Brillantes Jr. na abogado ni dating Sulu Governor Abdul Sakur Tan.
Lumalabas din anya na sa ilalim ng pamumumo ni Brillantes sa Comelec nangyari ang erroneous clustering ng mga presinto sa request ng mga Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.