Isyu sa kaniyang kandidatura sinagot ni Edu Manzano sa Instagram

By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 09:35 AM


Gamit ang kaniyang Instagram Account ay sinagot ng aktor na si Edu Manzano ang isyu hinggil sa kaniyang kandidatura.

Ito ay makaraang lumabas ang balita hinggil sa pagkansela ng Commission on Elections (Comelec) sa kaniyang certificate of candidacy (COC) bilang kandidato sa pagka-kongresista ng San Juan City.

Tinanong ng netizens si Manzano kung totoo bang nakansela na ang kaniyang kandidatura.

Paliwanag ni Manzano, ang Comelec 2nd division lamang ang nagpasya na ikansela ang kaniyang COC bunsod ng pagkwestyon sa kaniyang citizenship.

Sinabi ni Manzano na may pareho nang reklamo na isinampa sa kaniyang dati kung saan pinaburan siya ng korte Suprema.

Iyon ay noong tumakbo siya at nanalo siyang vice mayor ng Makati.

Ani Manzano, iaapela niya sa en banc ng Comelec ang pasya ng 2nd division at handa siyang iakyat ito sa Korte Suprema.

TAGS: Edu Manzano, elections, san Juan, Edu Manzano, elections, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.