Ion Perez: ‘I love Vice Ganda’

By Len Montaño May 07, 2019 - 02:34 AM

Ion Perez IG

Matapang na inihayag ni Ion “Kuya Escort” Perez ang kanyang pagmamahal kay Vice Ganda.

Sa kanyang Instagram stories ay nagbigay ng mensahe si Ion kay Vice.

Nakasaad sa mensahe ni Ion na hayaan na lang ang matang mapang-husga. Ang importante anya ay masaya ang puso.

Sa social media ay kumalat ang mga larawan ng dalawa sa kanilang concert sa California.

Makikita sa mga litrato ang sweetness nina Vice at Ion.

May mga video rin kung saan mapapanood ang pagiging malapit ng dalawa.

Sa isang bahagi ng concert ay may isang tao nagsabing mahal niya si Vice bagay na dinugtungan ni Ion na siya rin daw ay mahal si Vice.

Kamakailan ay ipinakilala ni Vice si Ion sa kanyang kapatid na babae na nakatira sa US.

Wala pang kumpirmasyon sina Vice at Ion ukol sa kanilang relasyon kahit malinaw sa kanilang mga aksyon ang feelings nila sa bawat isa.

TAGS: California, I love Vice Ganda, Instagram stories, Ion Perez, Kuya Escort, masaya ng puso, matang mapang-husga, Vice-Ganda, California, I love Vice Ganda, Instagram stories, Ion Perez, Kuya Escort, masaya ng puso, matang mapang-husga, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.