Rollback sa presyo ng petrolyo epektibo ngayong Martes

By Len Montaño May 07, 2019 - 01:01 AM

May rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo ngayong araw ng Martes May 7.

Sa anunsyo ng malalaking kumpanya ng langis, nasa P0.90 ang tapyas sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa diesel at P0.80 sa kerosene.

Ang independent oil players naman na Phoenix, Unioil at Gazz, nasa P1.00 ang rollback sa gasolina habang parehong P0.80 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Mula January hanggang ngayong buwan ay nagpatupad na ng 4 hanggang 5 rollback kung saan nasa pagitan na ng P2.90 at P3.40 kada litro ang bawas presyo ng diesel at gasolina.

Pero umabot naman na sa 13 beses ang dagdag presyo kung saan mula P11.04 hanggang P12.94 na ang itinaas na presyo ng petrolyo.

Samantala, kumpyansa ang Department of Energy na mauulit ang rollback sa susunod na linggo dahil stable na ang supply ng krudo sa world market.

Nagsimula na umano ang surplus o buildup ng supply ng langis sa US kaya stable ang presyo ng petrolyo.

TAGS: Bawas-presyo, Department of Energy, diesel, gasolina, kerosene, produktong petrolyo, rollback, stable, supply, taas presyo, Bawas-presyo, Department of Energy, diesel, gasolina, kerosene, produktong petrolyo, rollback, stable, supply, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.