Nasirang selyo ng Comelec sa ipinadalang election materials, huwag isisi sa mga pulis – PNP
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na huwag isisi sa mga pulis na nakadestino sa checkpoints ang pagkasira ng Commission on Elections (Comelec) seal sa isang sasakyan na nagpadala ng election paraphernalia.
Ito ay matapos kumalat sa social media ang larawan ng sirang Comelec seal sa naturang sasakyan.
Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, imposibleng ang mga pulis sa checkpoints ang responsable sa pagkasira nito.
Naipaalam aniya nang maayos sa mga pulis na hindi maaaring galawin ang election materials.
Dagdag pa nito, alam aniya ng kanilang hanay na hindi otorisado ang mga pulis na magbukas ng Comelec materials.
Trabaho lang aniya ng mga pulis na bantayan at siguruhing walang ibang gagalaw ng mga materyales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.