2 flight recorders, narekober sa nasunog na eroplano sa Russia
Narekober ang dalawang flight recorder sa eroplanong nasunog sa Moscow, Russia.
Nasunod ang Sukhoi Superjet 100 aircraft ng Aeroflot Airlines habang nagsasagawa ng emergency landing sa Sheremetyevo Airport.
Ayon kay Committee spokesman Svetlana Petrenko, tatlong posibilidad na naging sanhi ng sunog ang tinitignan ng mga imbestigador.
Isa rito ang hindi sapat na pilot qualification, equipment failure at lagay ng panahon.
Hindi bababa sa 41 na katao ang nasawi na insidente ng sunog.
Ilan naman sa mga pasahero ay nakaligtas sa pamamagitan ng inflatable emergency slides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.