2,816 na balota sa local absentee voting, natanggap na ng Comelec

By Angellic Jordan May 06, 2019 - 08:12 PM

Umabot na sa kabuuang 2,816 na balota ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa local absentee voting.

Sa datos ng Comelec, karamihan sa mga balota ay mula sa Philippine National Police (PNP) na may 1,364.

Maliban dito, 468 na balota ang naipadala ng Philippine Air Force habang 463 naman mula sa Philippine Army.

Nasa 132 naman sa mga miyembro ng media, 130 sa mga empleyado ng Comelec at 59 sa mga empleyado ng Department of Education (DepEd) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nagsimula ang local absentee voting noong April 29 at natapos noong May 1.

TAGS: 2019 elections, balota, comelec, local absentee voting, 2019 elections, balota, comelec, local absentee voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.