Ilang residente sa North Cotabato, inilikas dahil sa pag-atake ng NPA

By Angellic Jordan May 06, 2019 - 07:55 PM

Daan-daang residente ang inilikas sa Sitio Malibatuan kasunod ng pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa isang military detachment sa Arakan, North Cotabato Lunes ng umaga.

Ayon kay Capt. Jose Marie Molina, hepe ng Arakan police, hindi bababa sa 20 rebelde ng Guerilla Front 53 ang umatake sa military detachment.

Hindi naman aniya nakaabot ang mga rebelde sa military detachment sa barangay.

Nagtagal aniya ng 30 minuto ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at rebelde.

Dagdag pa nito, naidepensa at naprotektahan ng apat na regular na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) mula sa mga rebelde.

Wala naman aniyang napaulat na nasawi sa engkwentro.

Pansamantalang nananatili ang mga apektadong sibilyan sa isang barangay hall.

Inabisuhan din ni Molina ang mga residente na manatili sa mas ligtas na lugar at hintayin ang ibababang kautusan ng militar kung ligtas na ang lugar o hindi.

Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nabigay ng mga pagkain at tubig sa mga residente.

Patuloy din ang pagsasagawa ng assessment sa sitwasyon ng mga residente.

TAGS: Arakan, Capt. Jose Marie Molina, North Cotabato, NPA, Arakan, Capt. Jose Marie Molina, North Cotabato, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.