Diana Ross binastos umano ng mga tauhan sa New Orleans Airport

By Dona Dominguez-Cargullo May 06, 2019 - 10:58 AM

Nagreklamo ang singer na si Diana Ross matapos umano siyang makaranas ng pambabastos mula sa mga tauhan ng Transportation Security Administration (TSA) sa New Orleans Airport.

Mayroong serye ng tweet si Ross kung saan binanggit niya ang karanasan.

Ayon sa singer tila nabastos siya sa ginawang body inspection sa kaniya ng TSA agents.

Pakiramdam ni Ross ay nalabag ang kaniyang karapatan sa ginawang pagkapkap sa kaniya ng isang ahente ng TSA.

Sinabi pa ni Ross na gusto niyang maiyak dahil sa naranasan.

Agad namang nagpalabas ng paliwanag ang TSA tungkol sa pahayag ni Ross.

Ayon sa TSA, tinitiyak nilang naitatrato ng may pagrespeto ang lahat ng mga biyahero.

Matapos umanong i-review ang CCTV kung saan sumailalim sa inspeksyon ang singer ay nakita nilang sumunod ang sangkot na TSA agentsa lahat ng umiiral na protocol.

Sa kabila nito, sinabi ng TSA na iimbestigahan pa rin nila ang usapin.

TAGS: diana ross, New Orleans Airport, Radyo Inquirer, Transportation Security Administration, tsa, diana ross, New Orleans Airport, Radyo Inquirer, Transportation Security Administration, tsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.