8 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 06, 2019 - 04:40 AM

Timbog ang isang tulak ng droga kasama ang kanyang pitong suki sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa QCPD Station 6, nakatanggap sila ng sumbong ukol sa iligal na gawain ng kanilang target na si alyas ‘Ricardo’.

Ayon sa purok leader ng lugar na si Oscar Lapay, labas-masok ang mga tao sa inuupahang bahay ng suspek.

Hinala ng mga residente ginagawang drug den ang bahay nito.

Positibong nakabili ng P200 na halaga ng shabu ang pulis na poseur buyer mula sa suspek.

Tyempo namang may kasabay na bumiling pitong drug suspek at inaresto rin ang mga ito.

Nakuha mula sa suspek ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado si Ricardo na nagbebenta siya ng droga pero itinangging ginagawang drug den ang kanyang bahay.

Mahaharap ang walo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, QCPD station 6, buy bust operation, QCPD station 6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.