3 guro patay, 1 pa nawawala matapos malunod sa dagat sa Northern Samar
Nasawi ang tatlong guro matapos malunod sa dagat sa Brgy. Cabatuan, Palapag, Northern Samar araw ng Sabado.
Ayon sa Northern Samar Police Provincial Police Office, naliligo sa Kamatigi-an Rock Formations ang mga guro nang hampasin sila ng malaking alon.
Araw din ng Sabado nang makita ang mga labi nina James Dulay at Artermio Mejos Jr.
Linggo ng umaga naman ay sumunod na narekober ang bangkay ni Leonard Adarayan.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team ang bangkay ng isa pa nilang kapwa-gurong si Reynalda Adora.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang malagim na insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.