Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area o LPA dahil sa posibilidad na pumasok ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.
Sa pinakahuling update mula sa PAGASA, namataan ang LPA sa layong 2,500 kilometro, silangan ng Mindanao.
Ayon kay Shelly Ignacio, forecaster ng PAGASA, may posibilidad na maging isang tropical depression sa Huwebes o Biyernes at pumasok sa PAR sa darating Byernes o Sabado.
Tatawagin itong bagyong ‘Nonoy’ sa oras na pumasok na sa loob ng ating teritoryo.
Magdudulot ito ng maulap na panahon na may kasamang pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol, MIMAROPA, CALABARZON, Panay island at Metro Manila.
Kung sakali, ito na ang magiging ika-14 na bagyo na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa taong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.