7 sugatan sa engkwentro sa Camarines Sur

By Angellic Jordan May 05, 2019 - 02:14 PM

Hindi bababa sa pito sa sugatan sa pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Camarines Sur.

Ayon kay Capt. Joash Pramis, public affairs chief ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nag-aayos ang apat na sibilyan at mga sundalo ng sirang tubo ng tubig nang biglang umatake ang mga rebelde sa bahagi ng Sitio Burong-Burong sa Barangay Malinao bandang 7:40, Sabado ng umaga.

Sinabi naman ni Pramis na hindi maibibigay ang pangalan ng mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.

Nasa 10 rebelde ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan nang 15 minuto.

Dagdag pa ni Pramis, lumabas sa imbestigasyon na intensyon ng mga rebelde na sirain ang water system sa naturang barangay.

Nagpadala naman ng karagdagang sundalo para sa ikinasang pursuit operation sa pagtugis sa mga rebelde.

TAGS: camarines sur, NPA, camarines sur, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.