Bilang ng nasawi dahil sa kaguluhan sa Libya, umabot na sa 187
By Angellic Jordan May 05, 2019 - 01:16 PM
Umabot na sa 187 katao ang nasawi bunsod ng lumalalang tensyon sa southern Tripoli, Libya.
Maliban dito, pumalo naman sa kabuuang bilang na 1,157 ang mga nasugatan sa kaguluhan sa lugar.
Ayon kay Tarek al-Hamshiri, pinuno ng Field Medical Centre ng pwersa ng gobyerno, inilipat ang mga sugatang biktima sa Tunisia, Turkey, Italy at Ukraine para mabigyan ng lunas.
Tumagal na nang limang linggo ang kaguluhan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.