200 aftershocks naitala kasunod ng M5.5 na lindol sa Occ. Mindoro
By Len Montaño May 05, 2019 - 01:57 AM
Umabot na sa 200 ang aftershocks na naitala matapos ang magnitude 5.5 na lindol sa Occidental Mindoro araw ng Sabado.
Sa update ng Phivolcs, hanggang alas 6:00 ng gabi ay hindi bababa sa 200 ang naramdamang aftershocks.
Batay sa Phivolcs Earthquake Intensity Scale, pinaka-malakas ang intensity sa Rizal; San Jose, Occidental Mindoro gayundin sa Calapan, Oriental Mindoro.
Walang inaasahang pinsala sa ari-arian bunsod ng lindol.
Pero sinabi ng Phivolcs na asahan pa ang mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.