Globe Telecom, magkakaroon ng service interruption sa Visayas at Mindanao

By Berna Guillermo May 04, 2019 - 06:52 PM

Naglabas ng advisory ang Globe telecom tungkol sa posibleng service interruption sa Visayas at Mindanao dahil sa naputol na fiber optic cables ng kumpanya.

Ayon sa kanilang Facebook post, ang isa sa cable ay naputol nang makaladkad ng isang sasakyan ito sa crossing malapit sa San Juan Elementary School sa Del Gallego south ng Tagkawayan, Quezon at ang submarine cable cut naman ay dahil sa nangyaring Magnitude 5.5 na lindol kanina sa Occidental Mindoro.

Inaayos naman anila ng kanilang personnel para maibalik ang serbisyo sa mga apektadong users.

Mag-uupdate naman agad ang Globe kapag naibalik na sa normal ang serbisyo.

TAGS: globe telecom, service interruption, globe telecom, service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.