DOH, nagbigay ng hotline para sa may mga mental health problems

By Noel Talacay May 04, 2019 - 05:07 PM

Binuksan na ng Department of Health o DOH sa publiko ang kanilang hotline para sa may mga mental health problems, kasama dito ang mga taong may posibilidad na mag-suicide.

Ito ay alinsunod sa Republic Act 11036 o “Mental health law”.

Ayon sa nasabing batas, ang DOH ay inatasang mag-tayo na 24-hour hotline na magbibigay tulong sa mga tao na mayroong mental health problems at sa mga tao maaaring mag suicide.

Ang mga telephone number na kanilang tatawagan ay 09178998727 and 989-8727 ng National center for mental health crisis hotline.

Hinikayat naman ni DOH Secretary Francisco Duque III ang publiko na makiisa at suportahan ang ganitong program nila at ipakalat ang kanilang hotline numbers.

Layunin din ng RA 11036 na mapabuti ang mental health facilities at i-promote ang mental health education sa lahat ng paaralan at kompanya dito sa bansa.

TAGS: doh, hotline, doh, hotline

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.