1.2 milyong katao inilikas dahil sa Cyclone Funi sa India

By Rhommel Balasbas May 04, 2019 - 06:11 AM

Aabot sa 1.2 milyong katao ang inilikas sa Odisha, India at kasalukuyang nanatili sa 4,000 evacuation centers dahil sa pananalasa ng Cyclone Funi sa India.

Alas-8:00 ng umaga sa India nang tumama ang bagyo sa eastern coast taglay ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras.

Naramdaman din ang lakas ng bagyo sa iba’t ibang bansa at umabot ang hagupit hanggang Mount Everest.

Ayon sa ulat ng PTI news agency ng India, walo na ang nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyo.

Naiulat ang malawakang pagbaha sa ilang mga lugar at ayon sa weather forecasters, posibleng umabot sa 1.5 meters ang storm surge.

Naglaan na ng $140 million para sa emergency relief ayon kay Indian Prime Minister Narendra Modi.

Samantala, isa na rin ang namatay sa Bangladesh matapos mabagsakan ng puno.

Inaasahang kikilos ang bagyo patungong Chittagong sa Bangladesh ngayong Sabado ngunit mas mahina na ito.

TAGS: Cyclone Funi, India, Indian Prime Minister Narendra Modi, Odisha, Cyclone Funi, India, Indian Prime Minister Narendra Modi, Odisha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.