Comelec naglabas ng jingle para sa May 13 elections
Naglabas ng bagong jingle ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pinamagatan ang jingle na “Malayang Halalan”.
Layon nitong himukin ang publiko na bumoto sa May 13 elections at ipakita ang kahalagahan ng eleksyon sa demokrasya.
Inalala ni Jimenez ang tema ng eleksyon noong 2016 na “PiliPinas” upang igiit ang kahalagahan ng pagpili ng mga mamamayan sa mga susunod na lider ng bansa.
Para naman sa nalalapit na halalan, nais bigyang diin ng Comelec na malaya ang halalan sa Pilipinas dahil isa itong malayang bansa.
Inilunsad ang bagong jingle sa kabila ng kumpyansa ng Comelec na mas marami ang boboto ngayong taon dahil sa pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang organisasyon para sa pagpapaigting sa voter education.
Target ng Comelec ang 80 hanggang 81 percent na voter turnout sa nalalapit na halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.