Pulse Asia: Bayan Muna nangungunang party-list para sa May 13 elections
Ang Bayan Muna party-list ang nangunguna sa mga party-list groups na iboboto ng publiko sa May 13 elections ayon sa resulta ng survey ng Pulse Asia na inilabas araw ng Biyernes.
Sa April 2019 Pulso ng Bayan Pre-Electoral national survey na isinagawa noong April 10 hanggang 14, lumalabas na sa 134 na party-list groups, 13 ang makakakuha ng higit 2% ng total votes kung magaganap ang eleksyon sa naturang survey period.
Ayon kay Pulse Asia president Ronald Holmes, nangangahulugan ito na ang 13 party-list groups ay sigurado nang may isang pwesto sa Kamara.
“This means that each of these 13 party-list groups would get one seat in the House of Representatives in the first round of seat allocation described by the Supreme Court in its resolution dated 17 February 2017,” ani Holmes.
Ang 13 party-list groups ay ang:
- Bayan Muna – 7.94%
- Ako Bicol political party (AKO Bicol) – 6.65%
- Magkakasama sa Sakahan, Kaunlaran (Magsasaka) – 5.32%
- Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support, Inc. (ACT-CIS) – 4.67%
- Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) – 4.11%
- Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) – 3.55%
- Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) – 3.12%
- Coalition of Senior Citizens in the Philippines, Inc (Senior Citizens) – 2.92%
- Anak Mindanao (Amin) – 2.83%
- Probinsyano Ako – 2.64%
- Ang National Coalition of Indigenous Peoples Action Na! Inc (ANAC-IP) – 2.44%
- Alyansa ng mga Mamamayang Probinsiyano (Ang Probinsiyano) – 2.24%
- Cooperative NATCCP Network – 2.07%
Samantala, lumabas din sa survey na 76% ng mga Filipino ang may kamalayan sa party-list system ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.