SWS: Q1 net satisfaction rating ng Duterte admin record-high sa 72%
Naitala ng Duterte administration ang pinakamataas nitong net satisfaction rating sa unang kwarter ng 2019 ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Eighty-one percent ng mga Filipino ang nasisiyahan sa pamamalakad ng Pambansang Administrasyon, nine percent ang hindi nasisiyahan at 10 percent ang hindi tiyak para maitala ang +72 na net satisfaction rating na nasa klasipikasyong excellent.
Ang first quarter rating ng Duterte admin ay mas mataas ng anim na puntos sa +66 noong December 2018 at dalawang puntos na mas mataas sa nakalipas na excellent record na +70 noong December 2017.
Sa pamamagitan ng tinatawag ng SWS na Governance Report Card ay sinukat ang performance ng administrasyon sa 11 subjects.
Excellent ang administrasyon sa isang subject, very good sa dalawang subjects, good sa pitong subjects at moderate sa isang subject.
EXCELLENT
– Helping the poor (+72)
VERY GOOD
– Reconstructing Marawi City (+58)
– Fighting terrorism (+58)
GOOD
– Fighting crimes (+48)
– Reconciling with communist rebels (record-high +45)
– Reconciling with Muslim rebels (+44)
– Eradicating graft and corruption (+41)
– Foreign relations (+41)
– Defending Philippine sovereignty in the West Philippine Sea (+40)
– Ensuring that no family will ever be hungry (+37)
MODERATE
– Fighting inflation (+22)
Tumaas ang satisfaction rating ng Pambansang Administrasyon sa lahat ng lugar sa bansa at pinakamataas sa Mindanao sa excellent na +81.
Isinagawa ang survey ng SWS noong March 28-31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.