Binay pinatatahimik ng Malacañang sa pagbanat sa administrasyon
Pinayuhan ng Malacañang si Vice-President Jejomar Binay na iwasan ang bara-barang pagbanat sa Aquino administration.
Reaksyon ito ng Palasyo sa akusasyon ni Binay na sadyang nag-underspend ang gobyerno para gamitin ang natitirang pondo sa nalalapit na eleksyon.
Banat pa ni Binay, iilan lang ang gumanda ang buhay sa ilalim ng administrasyon at hindi naramdaman ng mga mahihirap ang sinasabing paglago ng ekonomiya.
Pero balik ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kung babanat si Binay sana hindi ito huli sa balita tungkol sa government spending na tumaas sa dalawang magkasunod na quarter.
Hirit pa ni Lacierda, ganyan talaga kapag hindi na-endorso ng pangulo, ang dating pinupuri, pinupuna na ngayon.
Ang hindi aniya maikakaila ay gumanda ang buhay ng pangalawang pangulo dahil hanggang ngayon hindi nito maipaliwanag ang alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.