P400,000 halaga ng shabu nakumpiska sa Legazpi City

By Angellic Jordan May 03, 2019 - 04:20 PM

Nakumpiska ang mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na illegal drug operation sa Legazpi City, Albay.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) acting regional director Christian Frivaldo, nasa kabuang P124,194 ang nasabat sa mga operasyon.

Nagsilbi aniya ng search warrant laban sa apat na umano’y tulak ng droga sa Barangay Victory Village South.

Kilala ang naturang barangay bilang illegal drug hot spot sa Legazpi.

Naaresto sina Anthony Bahoy na may hawak na sampung pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P85,036, Albert Barcelon na may labing-limang gramo ng shabu na may nagkakahalaga ng P102,000, at si Jomar Napay na nakuhaan naman ng walong pakete ng shabu na may bigat na sampung gramo na ang estimated street value ay P84,194.

Samantala, sa parehong barangay din, nahuli naman sina Dennis Arao at Eddie Gonzales Senior makaraang makuha ang anim na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 sa bahay ni Arao habang nasabat naman ang labing-apat pang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 68 thousand pesos sa bahay ni Gonzales.

TAGS: drugs war on drugs, Legazpi City, drugs war on drugs, Legazpi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.