Tig-iisang oras na rotational brownout sa maraming lugar sa Luzon ipinatupad dahil sa manipis na reserba ng kuryente
Nagpatupad ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon Grid.
Simula alas 10:00 ng umaga may tig-iisang oras nang rotational brownout ang NGCP sa mga sineserbisyuhang lugar.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga bahagi ng Ilocos Sur, Pampanga, Albay, Quezon, Baguio City, Benguet, Cagayan, Apayao, Zambales, Bataan, Angeles City, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, at ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay dahil umiral ang red alert sa Luzon Grid dahil sa kapos na kuryente bunsod pa rin ng mga naka-shutdown na planta.
Muli namang hinimok ng NGCP ang publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.