Pugo, La Union niyanig ng M3.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2019 - 08:57 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Pugo sa lalawigan ng La Union.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa 6 kilometers northwest ng Pugo.
Naitala ito alas 7:36 ng umaga ng Biyernes, May 3.
May lalim na 28 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity I sa Baguio City bunsod ng pagyanig.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.