Malakas na ulan bumuhos sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na mga lugar

By Len Montaño May 02, 2019 - 11:32 PM

Bumuhos ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong gabi.

Nakaranas ng mahina hanggang katamtamang ulan sa Commonwealth Avenue, Kamuning at Kamias sa Quezon City.

Mahinang ulan naman ang naranasan sa kahabaan ng United Nations Avenue sa Maynila.

Kasabay nito ay naglabas ng Thunderstorm Advisory ang Pagasa alas 10:55 ng gabi.

Nakasaad na asahan ang malakas na ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa lalawigan ng Rizal sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Bukod sa Quezon City at Maynila, nakaranas din ng thunderstorm sa Pasig, Pasay, Parañaque at Makati.

Gayundin sa Sariaya, Candelaria, General Nakar, Real sa Quezon; Gerona, Pura at Victoria sa Tarlac; General Tinio, Gapan at Guimba sa Nueva Ecija; Candelaria, Zambales; Doña Remedios Trinindad, Bulacan; at San Juan, Batangas.

Ayon sa Pagasa, iiral ang pag-uulan mula 30 minuto hanggang 1 oras.

Pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng flash floods at landslides.

TAGS: advisory, bumuhos, flash floods, Landslides, malakas na hangin, Metro Manila, Pagasa, pagkidlat, thunderstorm, ulan, advisory, bumuhos, flash floods, Landslides, malakas na hangin, Metro Manila, Pagasa, pagkidlat, thunderstorm, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.