NBI, magsasampa ng kasong inciting to sedition vs sharer ng ‘Bikoy’ video

By Angellic Jordan May 02, 2019 - 08:20 PM

Magsasampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong inciting to sedition laban kay Rodel Jayme, ang inarestong administrator at registrant ng isang website na responsable sa pag-share ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video.

Si Jayme ang registrant at administrator ng website ng www.metrobalita.net na nagpapakilala bilang isang online news portal.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hahayaan nito ang mga inquest prosecutor na maghanap ng probable cause sa kaso.

Magiging subject aniya si Jayme sa inquest proceeding sa National Prosecution Service (NPS).

Ang kontrobersyal na video ang nag-akusa sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at Christopher “Bong” Go na sangkot umano sa illegal drug trade.

Nai-post ang naturang video sa iba’t ibang social media site tulad ng Pinoy Ako Blog, Change Scamming, Metro Balita, Madam Claudia at What the FACT Blog.

Kabilang din ang website sa matrix na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, DOJ, Menardo Guevarra, metrobalita, rodel jayme, “Ang Totoong Narcolist”, DOJ, Menardo Guevarra, metrobalita, rodel jayme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.