Huling batch ng source code para sa May 13 elections naideposito na sa BSP
Naideposito na ng Commission on Elections (Comelec) sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang huling batch ng source code na gagamitin sa May 13 elections.
Inilagay sa BSP ang mga source code para sa safekeeping.
Nasa kahon na mayroong kandado at secured ang source code at mayroon ding Comelec paper seal na may porma ni Comelec executive director Jose Tolentino.
Ang nasabing source codes ay sumailalim na sa review at sinertipikahan ng isang international company at ng mga local source code reviewer.
Itatago sa BSP ang source codes kasama ang dati pang source codes na ginamit sa mga nagdaang eleksyon.
Nirerentahan ng Comelec ang space para sa pagtatago ng source code halagang P2,700 kada buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.